And I’m back.
Sobrang busy ko lang talaga ngayon sa office and sa school.
So akoý nagbabalik para sa mga taong makakabasa ng blog kong ito in the future.
Gusto ko lang nga kasing makatulong para mapadali yung pagbyahe nyo.
As what I’ve said and what I’ll
always say, hindi po ako travel blogger talaga but I’ll try my best para maging
worth it naman yung pagbabasa nyo ng blog ko. Nga pala Php 3,000.00 ang budget
namin each for this trip. First time kong umalis ng ganito kalayo from home.
But we aim na sana mas konti
ang magagastos namin compared sa mga tour offered for Baler na Php 2,500.00 with accomodation na but no food included and surfing lessons.
Disclaimer: Yung mga info dito
ay galing sa mga mismong nakausap naming mamamayan ng Baler, Aurora at mga
taong nakakasalamuha namin habang nasa byahe kami. All the pictures are taken
by me and my friends. Yung mga pangalan ng taong nakapost sa detailed blog na
ito ay pumayag na mailagay ang names nila dito. Ang mga nakasaad sa blog na ito
ay yung mismong naexperience namin sa trip na ‘to.
_________________________________________
Baler
Ang capital
city ng Aurora Province na nasa gawing Gitnang Luzon Region III. Ipinangalan
ang bayang ito sa asawa ni Pres. Manuel Quezon. Isa ito sa mga “surfing spots”
sa Pinas. Kung kaya’t maraming mga turista ang dumadayo dito para lang magsurf
at subukang makipaglaro sa mga alon.
Marami kang
magagawa sa Baler. Sabi nga dun sa print ng t-shirt na nakita naming sa
Pasalubong Center, “Surf, Dive, Trek and Revel.” Hindi din naman kayo
mahihirapang makipag-usap sa mga mamamayan ng Baler dahil tagalog din ang
salita nila doon. Eto pala ang mga FAQ’s na masasagot ng blog post kong ito:
- · Paano makapuntang Baler?
- · Anong pwedeng gawin sa Baler?
- · Anong mga tourist attraction doon?
- · Saan pwedeng magstay?
- · Anong pwedeng kainin doon?
- · Magkano ang magagastos nyo?
- · Anong product ng Baler?
Dahil
kaming siyam ay may 2 days and 1 night lang para maglagalag sa Baler at puros
“First Timers” eto ang DIY Itinerary na bunga ng pagreresearch ko.
February 20 – Thursday (DAY 0)
Mula
office, 7pm kami nagsipag-out sa office at nagkita-kita nalang sa Cubao. Ang bus
company na pinili naming ay ang Genesis Transport Inc. Ito kasi yung bus
company na nirerecommend ng mga nabasa kong blog papuntang Baler. Nakaalis kami
ng 11:40 PM.
Ang sinakyan
naming is yung AC bus nila worth Php 450.00. Medyo may kamahalan kasi yung
Joybus. Base din sa mga nababasa kong blogs Php 700.00 ang fare dun.
Bukod sa
comfort at lamig na maibibigay ng Joy Bus habang nasa byahe, wala naman atang
pinagkaiba ýon sa AC bus. From Cubao Terminal, 6 hours ang binyahe namin
hanggang makarating kami sa Baler Terminal ng Genesis.
February 21 – Friday (DAY1)
This is it
pancit! Nakarating kami sa Terminal ng Genesis sa Baler at exactly 6AM. Nagulat
pa kami kasi yun na pala yung terminal nila unlike sa Terminal nila sa Cubao.
Pagbaba
namin terminal, may mga tricycle ng nag-aantay dun para ihatid kayo kung saan
yung pagsstayan nyo doon. So nagpahatid kami sa Jamjens Lodge. Located ito
malapit sa Sabang Beach kaya maganda ang location.
Pagdating
naming doon sinalubong kami ni Ate Marivic, ang mismong may-ari ng Jamjens.
Napakaaccomodating nya. Nag-inquire kami ng rooms at nag-offer sya ng rooms sa
amin. Pero since 9 kami kinuha namin yung isang malaking room nila.
Php
3,500.00 yung price for 8 persons. Dahil 9 kami, Php 4,000.00 nya inoffer yung
room. Maganda naman kasi yung room. 2 double deck na malalaki, may isang foam,
may tv, toilet and bowl with hot and cold nadin, aircon at sliding window pa.
Eh since
ang lamig naman, kinausap ko si ate kung pwedeng wala nalang aircon. Convert
into fan room nalang for Php 3,500.00 for 9 persons at pumayag naman sya. After
nun nagrelax na kaming lahat sa room.
Pwede naman
pala magbaon ng mga cup noodles at coffee for breakfast. Pwede naman kayong humingi
nalang ng mainit na tubig sakanila. Eh since wala kaming baon, bumili nalang
kami kay ate. May tinda naman sya doon.
After
magbreakfast, nagprepare na kami para sa Baler Tour namin. 7-9am ang oras na
inallot naming para magfreshen-up na lahat then we’re ready to go. Hindi na
naming nasunod yung 8AM na start ng tour dahil ambabagal naming kumilos. :D
Para sa
Tour, nakilala namin pagbaba naming ng Terminal sa Baler sina Mang Dominador
Porbido and friends na syang naghatid sa amin sa Jamjens. Marami na akong
tinanong sakanya nung nasa tricycle palang.
Isa sya sa
iilang tricycle drivers na authorize magconduct ng Baler Tour dahil nagseminar
sila sa Dept. of Tourism doon. Dahil walang mga jeep doon, tricycle lang ang
main transportation ng probinsya.
Sinabi rin
nya na pag walang ID at sticker yung tricycle eh hindi daw allowed na pumasok
sa mga tourist sposts lalo na sa Balete Tree and Ditumabo Falls dahil may
additional bayad pa kayo bukod sa donations sa bawat tourist attractions.
First on
our DIY Itinerary is Museo de Baler. Bago kami pumasok dun nagbrunch nadin kami
sa Rolling Store. Dun ang mumura ng pagkain. Php 40.00 above lang ang bawat
meal. After nun tumuloy na kami sa Museo de Baler.
Donation
lang din naman dun, nagpicture-picture lang kami at di naman kami nagtagal
masyado dun. Next stop, Doña Aurora’s House. Donation lang naman din dun at di
rin kami gaanong nagtagal.
Next is
Baler Church kasi magkalapit lang sila ng Doña Aurora’s House. Dun lang sya sa
tapat kaya lumipat lang kami. Kahit maliit lang sya, ang ganda ng loob saka
sobrang tahimik.
After naman
nun, nagpunta na kami ng Ermita Hill. Malayo-layo din ito from Baler Church.
Pataas din ang daan. Doon makikita mo ang magandang view ng Pacific Ocean.
Mahangin din doon at nakuha pa naming magjumpshot.
After nun
bumaba naman kami para pumunta sa Tromba Marina. Yun yung sinasabi nilang
Tsunami na halos burahin ang bayan ng Baler noong unang panahon. Itinayo yun in
honor to the families na nakaligtas sa pangyayaring yun.
Next naman
naming pinuntahan is yung Diguisit Waterfalls. Para syang baby waterfalls kasi
maliit lang sya pero mataas sya. Nagtrek kami paakyat ng mga approximately 30
minutes.
Next on our
trip is yung Aniao Islet. Hindi namin masyadong nalapitan kaya pinicturan
nalang naming sya. Tanaw na tanaw naman kasi sya mula sa kinatatayuan namin.
Kaya nagpicture-picturan nalang kami sa view.
Next is yung
Diguisit Beach and Rock Formation. Ang ganda ng mga bato grabe. Nakakatuwa
umakyat-akyat at magpapicture. Ingat nga lang kasi medyo madulas yung mga bato.
Kaya wag masyado magmadali sa pag-akyat.
After nun,
nagpunta na kami sa Balete Tree or mas kilala sa tawag na Millenium Tree. Sabi
ng mga guide naming sa pag-akyat ng puno doon, 600-year old na daw yung puno na
yun.
Mga kasing
edad lang din namin ang mga guide doon at kahit puro kami babae, hindi nila kami binastos
habang inaalalayan kami paakyat. Tinuturuan pa nga nila kami kung saan talaga
itatapak ang kanan at kaliwang paa sa puno.
Sobrang
taas nung naakyat namin. Ang sarap pa ng hangin sa taas. Buti nalang di ako
takot sa heights. Kung madali para sakin ang pag-akyat, difficulty level ang
pagbaba kasi iba ring part ng puno ang dadaaanan nyo.
Bukod sa
binigay naming donation sa tourist attraction na ito. Nagcontribute din kami
para sa tip ng mga guide doon sa Baler Tree dahil sobrang babait nga nila.
Natuwa naman kami bago kami umalis doon kasi natuwa sila sa amount na naibigay
namin.
Next stop
at ang last but not the least tourist attraction for this day ay yung Ditumabo
Falls. Muntik pa kaming di payagan pumasok kasi nga by 5pm, bawal na magtrek
papunta doon.
Pero
nagmakaawa nalang kami dahil andun nalang din naman kami, di pa naming ipupush.
Buti nalang mabait yung bantay at pinayagan kami. Nagbigay kami ng donation.
Sabi namin saglit lang kami doon at di na maliligo pero sabi lang naming yun.
Approximately
30 minutes din ata kami nagtrek papunta sa falls dahil mas madulas ang mga bato
doon kesa sa Diguisit at ang lamig sobra ng tubig kada lubog ng paa namin.
Hanggang sa
wakas narating namin yung falls. Sobrang ganda as in. Grabe yung sigaw naming
na, “Yes sa wakas nakarating din. WOOOOOOOOOOOOH!” After nun nagdecide na kami
tumalon sa falls.
Sinamahan
kami ni Mang Dominador and Friends paakyat. Sobrang bait talaga nila. Binigyan
pa nila kami ng warning na malalim daw banda sa kinatatayuan namin pero
mababaw na doon sa bandang gitna.
Hanggang sa
tumalon yung isa sa kaibigan ko kahit na sobrang lamig ng tubig kasi nga andun
nadin kami di pa namin matatry eh saying naman kaya nagsunuran na kami sa
tubig at nagpapicture sa dalawa naming kaibigang babae na din tumalon sa
nagyeyelong tubig.
Mga halos 1 hour din kaming nagtagal
dun. Super mission accomplished talaga ang day one namin sa Baler. Then after
nun umuwi na kami at nagdinner sa Rolling Store uli. Tapos sa may bandang
unahan lang nun may ihaw-ihaw na murang-mura lang kaya bumili nadin kami.
After naming
magdinner, nagpahatid na kami sa Jamjens. Doon na namin binayaran sina Mang
Dominador and friends. Php 800.00 nga pala ang bayad sa tour for the whole day.
Dahil sa
sobrang bait na guides nila Mang D, binigyan nalang namin sila ng Php 900.00
para naman may sobra pa sila. Yung isang friend naman nya binigyan naming ng 1K
kasi nabutas yung interior ng gulong nya habang papunta kami sa Ditumabo kasi mabato
talaga. Mga 10pm nun nagsitulog na kaming lahat.
February 22 – Saturday (DAY 2/Last Day sa Baler)
Maaga kaming
nagising. 6Am palang nagsibangon na kami para magstretching dahil ito yung
surfing day namin. Half day lang kami kasi after lunch uuwi na kami. Lahat kami
first timers sa pagsusurf.
Ayon sa mga
nabasa ko, maganda raw sa Aliya Surf Camp magsurfing lessons. So doon kami
nagpunta. Php 350.00 ang surfing lessons with rashguard, board, trainer at may
free na baller.
One hour
lang kami nagsurf. Bitin pero parang marunong na marunong na kami. Natuto kami
agad dahil sa mga trainer namin. Badtrip nga lang kasi di ako nakapagpapicture
sa trainer ko.
Mga quarter
to 10 tapos na kami magsurf kaya dumirecho na kami sa Bay’s Inn para kumain.
Tinry naming yung buffet breakfast nila kaso hanggang 10am lang yun. Beyond
10am regular rates na sila sa food. Worth it naman yung Php 170.00 namin.
Sobrang
busog na kami. Ang sarap pa ng mga kinain namin. Mga 11am kami bumalik sa
Jamjens kasi nanood pa kami sa mga surfers after naming kumain. Nagsipagligo na
kami at nagpack-up na.
Binayadan
nadin naming yung bayad sa room. Mga 1pm binalikan kami nina Mang Dominador and
friends para samahang mamili ng pasalubong. Nagpunta kami sa Pasalubong Center.
Namili kami ng Shirts, Keychains at ang Suman ng Baler.
After nun
pumunta pa kami sa bilihan ng sikat na peanut butter sa Baler. Yung peanut
butter ni Nanay Pacing worth Php 140.00. Sulit na sulit yung pagbili namin kasi
super sarap sya. Sayang nga kasi sana dalawa nalang ang binili ko.
Then after
nun pumunta na kami sa terminal para sumakay ng bus pauwi. Dahil wala ng
byahe ang AC bus ng Genesis after lunch at Joy Bus nalang ang may byahe na 2:30 pm
ang alis. Nagdecide kaming magCabanatuan nalang then Pasay.
Alas dos ng
hapon kami umalis ng Baler. Aurora Bus line yung sinakyan namin. Meron din namang
van doon paCabanatuan. Apat na oras ang byahe mula Baler to Cabanatuan. Then from Cabanatuan to Pasay sumakay kami sa
Five Star Bus.
Nagdinner
lang kami saglit sa Cabanatuan. Mga 7pm kami nakaalis sa Cabanatuan. Dapat 3
hours lang ang byahe pauwi kaso may event ng time na ito ang INC kaya mga 12am
na kami nakarating sa Pasay.
So ayun
natapos din ang nobelang blog post ko. Sana makatulong sa mga magbabasa kahit
na ang haba-haba. Salamat sa magtyatyagang nagbasa.
DPxiv~
DPxiv~
Aantayin ko yung breakdown ng gastos. Excited na ko pumunta sa Baler.
ReplyDeleteHi po kuya/ate.
DeleteThank you po sa matyagang pagbasa. Medyo busy lang po. Don't worry ipopost ko din po sya baka this weekend or next week. :)