Tuesday, February 25, 2014

DIY BALER TRIP 2014 Part 1 : The Story Behind Why we went to Baler


PS: Hindi naman talaga ako travel blogger eh. Pero itatry ko.
____________________________________________

Hi Guys! I just wanna share my super fun filled weekend with my friends last February 21-22, 2014.

Matagal na pagpaplano ang ginawa para lang matuloy 'to dahil despedida narin 'to ng ex-officemate/friend kong si Karen. Tutulak na kasi sya papuntang Dubai next month. Iiwan na kami ni bakla. Kaya sana makasunod kami dun pag may chance.

January pa lang mula nung nalaman naming magwowork na sya sa Dubai, nagkumahog na kami para paghandaan ang despedida nya. Nagresearch kami kung saan kami makakapunta. Yung pwede lahat at sang-ayon ang lahat sa arrangement at yung kaya ng budget.

Syempre sa kadahilanang strict ang parents ko lalo na ang papa ko kaya hindi kami pwedeng lumayo. Hangga't maaari within the vicinity lang. Eh taga-Cavite ako. Ang pwede ko lang galaan is Manila kung saan ako nagcollege at Makati kung saan ako nagwowork ngayon at mga kalapit lugar. Hay ang hirap.

Hanggang sa may nagsuggest samin na magcheck ng Metro Deal, Ensogo, Cash Cash Pinoy Etc. Pero the best padin si Google among those choices. So ang ginawa ko nagsearch ako. Search lang ng search. Kahit breaktime ko sa office nakatapat ako sa pc habang kumakain para lang matapos ang itinerary namin.

Hindi naman kasi ako gala. Magaling lang ako mag-organize ng gala kasi ako nalang ang laging pinapaorganize ng mga friends ko. Ewan ko ba sakanila kung bakit ako nalang ang laging responsable pagka may mga ganitong event sa buhay namin.

Si Amie, isa sa officemate kong gala. Ang dami na nyang napuntahan sa sobra nyang pagiging gala. Sayang nga kase she's not into blogging eh. Talagang tamang gala lang si bakla. Stroll dito stroll doon. Every weekend ata may nakaschedule syang lakwatsa.

So isa sya sa mga kinonsult ko kung saan maganda at mura maglamyerda. Hanggang may isang nagsuggest samin sa bakit di namin itry sa Baler. Sabi ni Amie ok naman dun kasi hindi padin sya nakakapunta dun at ifefeature daw sa Byahe ni Drew yung Itinerary ni Drew Arellano for his Baler Trip. Unfortunately, di ko napanood.

So mula nung nabigyan ako ng idea na doon nalang sa Baler ang trip namin, araw-araw na kong naghanap ng mga promos. Pero nagsuggest si Amie na try ko raw magsearch ng mga travel blog about Baler kasi ganun daw ang ginagawa nya pag umaalis-alis sya.

Hanggang sa nakakita ako ng mga blogs na may how to get to Baler via commute. Dun nalang ako nagrely. Pero pinakahelpful sakin itong mga blog na ipopost ko sa baba nito. Baka matripan nyo din, you can check it out kasi naging very helpful ang blog nila to me in doing a DIY Itinerary.

After this post hopefully siguro by weekend matapos ko na yung DIY Itinerary ko na ishashare ko sa mga readers ng blog na 'to para if you want a detailed timeline or facts about Baler, magkakaroon kayo ng idea how to get there.

Wala akong alam sa lugar ng Baler Aurora pero dahil sa mga blogs na ito naging successful ang Baler trip namin.

HELPFUL BLOGS:

Pinoy Adventurista

Lakwatsero

Vacation Preview

Travelling Dork

So pano ba yan ito nalang muna, abangan nyo nalang yung part 2. Yung detailed adventures namin.

DPxiv~

Saturday, February 1, 2014

Simula

Hi Blogger.com!

Pati narin sa mga iba pang Pinoy dyan na mahilig magblog sa internet gaya ko. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang unang post ko dito. Hindi ko kasi alam kung paano ba yung gagawin ko dito. Naisip ko lang kasi na gusto kong magblog ng mga masasayang bagay naman. Tama na yung mga kadramahan ko sa Tumblr account ko. Hanggang dun nalang yun. Doon ang drama at dito ang saya.


January 30 nung nadiscover ko na may Blogger account ako dahil nga may Google account ako. Nakita kong 2009 pa pala ako member dito. Nagulat ako! Hindi naman kasi ako nag sign-up sa Blogger. Kung nalaman ko siguro nung simula palang eh meron na ko neto baka mula 2009 nagboblog na ko. Recently lang naman din kase ako nahilig sa blogging. Nainspire lang sa mga binabasa.


Oh pano ba yan? Tatry kong matapos yung first blog post ko later. Kain muna ako. Get to know more of me at sa mga ipopost ko pang mga kung ano-ano dito.


DPxiv~