Tuesday, March 4, 2014

DIY BALER TRIP 2014 Part 2 : Detailed Story of Our Baler Trip

And I’m back.

Sobrang busy ko lang talaga ngayon sa office and sa school. So akoý nagbabalik para sa mga taong makakabasa ng blog kong ito in the future. Gusto ko lang nga kasing makatulong para mapadali yung pagbyahe nyo.

As what I’ve said and what I’ll always say, hindi po ako travel blogger talaga but I’ll try my best para maging worth it naman yung pagbabasa nyo ng blog ko. Nga pala Php 3,000.00 ang budget namin each for this trip. First time kong umalis ng ganito kalayo from home.

But we aim na sana mas konti ang magagastos namin compared sa mga tour offered for Baler na Php 2,500.00 with accomodation na but no food included and surfing lessons.

Disclaimer: Yung mga info dito ay galing sa mga mismong nakausap naming mamamayan ng Baler, Aurora at mga taong nakakasalamuha namin habang nasa byahe kami. All the pictures are taken by me and my friends. Yung mga pangalan ng taong nakapost sa detailed blog na ito ay pumayag na mailagay ang names nila dito. Ang mga nakasaad sa blog na ito ay yung mismong naexperience namin sa trip na ‘to.
_________________________________________

Baler

            Ang capital city ng Aurora Province na nasa gawing Gitnang Luzon Region III. Ipinangalan ang bayang ito sa asawa ni Pres. Manuel Quezon. Isa ito sa mga “surfing spots” sa Pinas. Kung kaya’t maraming mga turista ang dumadayo dito para lang magsurf at subukang makipaglaro sa mga alon.

            Marami kang magagawa sa Baler. Sabi nga dun sa print ng t-shirt na nakita naming sa Pasalubong Center, “Surf, Dive, Trek and Revel.” Hindi din naman kayo mahihirapang makipag-usap sa mga mamamayan ng Baler dahil tagalog din ang salita nila doon. Eto pala ang mga FAQ’s na masasagot ng blog post kong ito:

  • ·         Paano makapuntang Baler?
  • ·         Anong pwedeng gawin sa Baler?
  • ·         Anong mga tourist attraction doon?
  • ·         Saan pwedeng magstay?
  • ·         Anong pwedeng kainin doon?
  • ·         Magkano ang magagastos nyo?
  • ·         Anong product ng Baler?
            Dahil kaming siyam ay may 2 days and 1 night lang para maglagalag sa Baler at puros “First Timers” eto ang DIY Itinerary na bunga ng pagreresearch ko.


February 20 – Thursday (DAY 0)

            Mula office, 7pm kami nagsipag-out sa office at nagkita-kita nalang sa Cubao. Ang bus company na pinili naming ay ang Genesis Transport Inc. Ito kasi yung bus company na nirerecommend ng mga nabasa kong blog papuntang Baler. Nakaalis kami ng 11:40 PM.

            Ang sinakyan naming is yung AC bus nila worth Php 450.00. Medyo may kamahalan kasi yung Joybus. Base din sa mga nababasa kong blogs Php 700.00 ang fare dun.

            Bukod sa comfort at lamig na maibibigay ng Joy Bus habang nasa byahe, wala naman atang pinagkaiba ýon sa AC bus. From Cubao Terminal, 6 hours ang binyahe namin hanggang makarating kami sa Baler Terminal ng Genesis.

February 21 – Friday (DAY1)

            This is it pancit! Nakarating kami sa Terminal ng Genesis sa Baler at exactly 6AM. Nagulat pa kami kasi yun na pala yung terminal nila unlike sa Terminal nila sa Cubao.

            Pagbaba namin terminal, may mga tricycle ng nag-aantay dun para ihatid kayo kung saan yung pagsstayan nyo doon. So nagpahatid kami sa Jamjens Lodge. Located ito malapit sa Sabang Beach kaya maganda ang location.

            Pagdating naming doon sinalubong kami ni Ate Marivic, ang mismong may-ari ng Jamjens. Napakaaccomodating nya. Nag-inquire kami ng rooms at nag-offer sya ng rooms sa amin. Pero since 9 kami kinuha namin yung isang malaking room nila.

            Php 3,500.00 yung price for 8 persons. Dahil 9 kami, Php 4,000.00 nya inoffer yung room. Maganda naman kasi yung room. 2 double deck na malalaki, may isang foam, may tv, toilet and bowl with hot and cold nadin, aircon at sliding window pa.

            Eh since ang lamig naman, kinausap ko si ate kung pwedeng wala nalang aircon. Convert into fan room nalang for Php 3,500.00 for 9 persons at pumayag naman sya. After nun nagrelax na kaming lahat sa room.

            Pwede naman pala magbaon ng mga cup noodles at coffee for breakfast. Pwede naman kayong humingi nalang ng mainit na tubig sakanila. Eh since wala kaming baon, bumili nalang kami kay ate. May tinda naman sya doon.

            After magbreakfast, nagprepare na kami para sa Baler Tour namin. 7-9am ang oras na inallot naming para magfreshen-up na lahat then we’re ready to go. Hindi na naming nasunod yung 8AM na start ng tour dahil ambabagal naming kumilos. :D

            Para sa Tour, nakilala namin pagbaba naming ng Terminal sa Baler sina Mang Dominador Porbido and friends na syang naghatid sa amin sa Jamjens. Marami na akong tinanong sakanya nung nasa tricycle palang.

            Isa sya sa iilang tricycle drivers na authorize magconduct ng Baler Tour dahil nagseminar sila sa Dept. of Tourism doon. Dahil walang mga jeep doon, tricycle lang ang main transportation ng probinsya.

            Sinabi rin nya na pag walang ID at sticker yung tricycle eh hindi daw allowed na pumasok sa mga tourist sposts lalo na sa Balete Tree and Ditumabo Falls dahil may additional bayad pa kayo bukod sa donations sa bawat tourist attractions.

            First on our DIY Itinerary is Museo de Baler. Bago kami pumasok dun nagbrunch nadin kami sa Rolling Store. Dun ang mumura ng pagkain. Php 40.00 above lang ang bawat meal. After nun tumuloy na kami sa Museo de Baler.

            Donation lang din naman dun, nagpicture-picture lang kami at di naman kami nagtagal masyado dun. Next stop, Doña Aurora’s House. Donation lang naman din dun at di rin kami gaanong nagtagal.

            Next is Baler Church kasi magkalapit lang sila ng Doña Aurora’s House. Dun lang sya sa tapat kaya lumipat lang kami. Kahit maliit lang sya, ang ganda ng loob saka sobrang tahimik.

            After naman nun, nagpunta na kami ng Ermita Hill. Malayo-layo din ito from Baler Church. Pataas din ang daan. Doon makikita mo ang magandang view ng Pacific Ocean. Mahangin din doon at nakuha pa naming magjumpshot.

            After nun bumaba naman kami para pumunta sa Tromba Marina. Yun yung sinasabi nilang Tsunami na halos burahin ang bayan ng Baler noong unang panahon. Itinayo yun in honor to the families na nakaligtas sa pangyayaring yun.

            Next naman naming pinuntahan is yung Diguisit Waterfalls. Para syang baby waterfalls kasi maliit lang sya pero mataas sya. Nagtrek kami paakyat ng mga approximately 30 minutes.

            Next on our trip is yung Aniao Islet. Hindi namin masyadong nalapitan kaya pinicturan nalang naming sya. Tanaw na tanaw naman kasi sya mula sa kinatatayuan namin. Kaya nagpicture-picturan nalang kami sa view.

            Next is yung Diguisit Beach and Rock Formation. Ang ganda ng mga bato grabe. Nakakatuwa umakyat-akyat at magpapicture. Ingat nga lang kasi medyo madulas yung mga bato. Kaya wag masyado magmadali sa pag-akyat.

            After nun, nagpunta na kami sa Balete Tree or mas kilala sa tawag na Millenium Tree. Sabi ng mga guide naming sa pag-akyat ng puno doon, 600-year old na daw yung puno na yun.

            Mga kasing edad lang din namin ang mga guide doon at kahit puro kami babae, hindi nila kami binastos habang inaalalayan kami paakyat. Tinuturuan pa nga nila kami kung saan talaga itatapak ang kanan at kaliwang paa sa puno.

            Sobrang taas nung naakyat namin. Ang sarap pa ng hangin sa taas. Buti nalang di ako takot sa heights. Kung madali para sakin ang pag-akyat, difficulty level ang pagbaba kasi iba ring part ng puno ang dadaaanan nyo.

            Bukod sa binigay naming donation sa tourist attraction na ito. Nagcontribute din kami para sa tip ng mga guide doon sa Baler Tree dahil sobrang babait nga nila. Natuwa naman kami bago kami umalis doon kasi natuwa sila sa amount na naibigay namin.

            Next stop at ang last but not the least tourist attraction for this day ay yung Ditumabo Falls. Muntik pa kaming di payagan pumasok kasi nga by 5pm, bawal na magtrek papunta doon.

            Pero nagmakaawa nalang kami dahil andun nalang din naman kami, di pa naming ipupush. Buti nalang mabait yung bantay at pinayagan kami. Nagbigay kami ng donation. Sabi namin saglit lang kami doon at di na maliligo pero sabi lang naming yun.

            Approximately 30 minutes din ata kami nagtrek papunta sa falls dahil mas madulas ang mga bato doon kesa sa Diguisit at ang lamig sobra ng tubig kada lubog ng paa namin.

            Hanggang sa wakas narating namin yung falls. Sobrang ganda as in. Grabe yung sigaw naming na, “Yes sa wakas nakarating din. WOOOOOOOOOOOOH!” After nun nagdecide na kami tumalon sa falls.

            Sinamahan kami ni Mang Dominador and Friends paakyat. Sobrang bait talaga nila. Binigyan pa nila kami ng warning na malalim daw banda sa kinatatayuan namin pero mababaw na doon sa bandang gitna.

            Hanggang sa tumalon yung isa sa kaibigan ko kahit na sobrang lamig ng tubig kasi nga andun nadin kami di pa namin matatry eh saying naman kaya nagsunuran na kami sa tubig at nagpapicture sa dalawa naming kaibigang babae na din tumalon sa nagyeyelong tubig.

            Mga halos 1 hour din kaming nagtagal dun. Super mission accomplished talaga ang day one namin sa Baler. Then after nun umuwi na kami at nagdinner sa Rolling Store uli. Tapos sa may bandang unahan lang nun may ihaw-ihaw na murang-mura lang kaya bumili nadin kami.

            After naming magdinner, nagpahatid na kami sa Jamjens. Doon na namin binayaran sina Mang Dominador and friends. Php 800.00 nga pala ang bayad sa tour for the whole day.

            Dahil sa sobrang bait na guides nila Mang D, binigyan nalang namin sila ng Php 900.00 para naman may sobra pa sila. Yung isang friend naman nya binigyan naming ng 1K kasi nabutas yung interior ng gulong nya habang papunta kami sa Ditumabo kasi mabato talaga. Mga 10pm nun nagsitulog na kaming lahat.

February 22 – Saturday (DAY 2/Last Day sa Baler)

            Maaga kaming nagising. 6Am palang nagsibangon na kami para magstretching dahil ito yung surfing day namin. Half day lang kami kasi after lunch uuwi na kami. Lahat kami first timers sa pagsusurf.

            Ayon sa mga nabasa ko, maganda raw sa Aliya Surf Camp magsurfing lessons. So doon kami nagpunta. Php 350.00 ang surfing lessons with rashguard, board, trainer at may free na baller.

            One hour lang kami nagsurf. Bitin pero parang marunong na marunong na kami. Natuto kami agad dahil sa mga trainer namin. Badtrip nga lang kasi di ako nakapagpapicture sa trainer ko.

            Mga quarter to 10 tapos na kami magsurf kaya dumirecho na kami sa Bay’s Inn para kumain. Tinry naming yung buffet breakfast nila kaso hanggang 10am lang yun. Beyond 10am regular rates na sila sa food. Worth it naman yung Php 170.00 namin.

            Sobrang busog na kami. Ang sarap pa ng mga kinain namin. Mga 11am kami bumalik sa Jamjens kasi nanood pa kami sa mga surfers after naming kumain. Nagsipagligo na kami at nagpack-up na.

            Binayadan nadin naming yung bayad sa room. Mga 1pm binalikan kami nina Mang Dominador and friends para samahang mamili ng pasalubong. Nagpunta kami sa Pasalubong Center. Namili kami ng Shirts, Keychains at ang Suman ng Baler.

            After nun pumunta pa kami sa bilihan ng sikat na peanut butter sa Baler. Yung peanut butter ni Nanay Pacing worth Php 140.00. Sulit na sulit yung pagbili namin kasi super sarap sya. Sayang nga kasi sana dalawa nalang ang binili ko.

            Then after nun pumunta na kami sa terminal para sumakay ng bus pauwi. Dahil wala ng byahe ang AC bus ng Genesis after lunch at Joy Bus nalang ang may byahe na 2:30 pm ang alis. Nagdecide kaming magCabanatuan nalang then Pasay.

            Alas dos ng hapon kami umalis ng Baler. Aurora Bus line yung sinakyan namin. Meron din namang van doon paCabanatuan. Apat na oras ang byahe mula Baler to Cabanatuan.  Then from Cabanatuan to Pasay sumakay kami sa Five Star Bus.

            Nagdinner lang kami saglit sa Cabanatuan. Mga 7pm kami nakaalis sa Cabanatuan. Dapat 3 hours lang ang byahe pauwi kaso may event ng time na ito ang INC kaya mga 12am na kami nakarating sa Pasay.


            So ayun natapos din ang nobelang blog post ko. Sana makatulong sa mga magbabasa kahit na ang haba-haba. Salamat sa magtyatyagang nagbasa.

DPxiv~